Mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa lungsod ng Mandaluyong bukas, Agosto 28.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Mandaluyong, ito ay kasunod ng isasagawang line construction ng Meralco sa mga kalye ng Samat at Calbayog sa Barangay Highway Hills.
Kabilang sa mawawalan ng suplay ng kuryente ang mga sumusunod na kalye:
- Domingo
- Guevarra
- Sultan
- Sierra Madre
- Malinao
- Kanlaon at
- Mariveles
Maaapektuhan din ng brownout ang kalye ng Lopez Rizal at Dr. Jose Fernandez sa pagitan ng 9:30 hanggang 10 ng umaga at muling mawawalan ng suplay ng kuryente sa ganap na 3 hanggang 3:30 ng hapon bukas.