Asahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa typhoon Noru na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Huling namataan ang typhoon Noru sa 1,305 kilometro, hilagang silangan ng extreme northern Luzon na kumikilos patungong kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Bukod sa Luzon, wala nang namo-monitor ang PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na ibang maaapektuhan ng masamang panahon.
By Meann Tanbio