Nakaranas ng tatlong oras na rotational brownouts ang ilang bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, kahapon.
Ito’y batay sa abiso ng Manila Electric Company o Meralco kung saan kabilang sa mga apektado ang ilang lugar sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, at Pampanga.
Samantala sa magkahiwalay na abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, itinaas sa red alert status ang Luzon grid mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi, kahapon.
Habang muli namang inilagay ito sa yellow alert status mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 12:00 kaninang hatinggabi.