Patuloy na magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Linggo ang hanging habagat.
Ayon sa PAGASA, makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Central Luzon, Ilocos region, Cordillera Administrative region, at Cagayan Valley.
Asahan din ang maulap na kalangitang may manaka-nakang pag-ulan hanggang thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, binabantayan naman ng PAGASA ang isang kumpol ng mga ulap sa bandang silangan ng Northern Luzon at isa pang low-pressure area (LPA) malapit naman sa kanluran ng Hilagang Luzon pero hindi ito makakaapekto sa bansa.
Maliban dito, malabo rin umanong manalasa sa Pilipinas ang tropical storm na may international name na “Faxai” na namataan naman sa kanlurang Pasipiko.