Makakaranas ng maaliwalas na panahon ang buong bahagi ng Luzon pero may tiyansa ng mga isolated thunderstorm sa hapon hanggang sa gabi.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, posibleng makaranas ng 24°C hanggang 34°C ang agwat ng temperatura sa Tuguegarao habang 25°C hanggang 33°C naman sa Laoag.
Asahan naman ang mainit at maalinsangang panahon sa buong bahagi ng Visayas at Mindanao pero may tiyansa ng mga isolated thunderstorm sa hapon hanggang sa gabi.
Nagpaalala naman sa publiko ang PAGASA na huwag paring kalilimutang magdala ng payong bilang panangga sa matinding sikat ng araw o biglaang pagbuhos ng ulan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:28 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:27 ng hapon.