Nakararanas ng mahinang water supply hanggang sa walang tubig ang ilang barangay sa Marikina, Pasig, Taguig at Quezon Cities maging sa Antipolo City, San Mateo, Rodriguez, Taytay, Angono, Binangonan at Jalajala, Rizal, simula pa noong Lunes.
Ito, ayon sa Manila Water, ay dahil sa ipinatutupad nilang operational adjustment bunsod ng pagbaba ng water level sa La Mesa Dam dulot ng patuloy na El Niño Phenomenon o tag-init.
Kabilang sa mga apektado ang Barangay Fortune, Nangka at Tumana sa Marikina; Caniogan, Kalawaan, Palatiw, Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig; Pasong Tamo at Sacred Heart sa Quezon City;
Bagong Tanyag, Bambang, Central Bicutan, Central Signal Village, Hagonoy, Ibayo-Tipas, Katuparan, Lower Bicutan, New Lower Bicutan at North Signal Village sa Taguig; Dalig, Mayamot, San Jose, San Luis at San Roque sa Antipolo City;
San Jose, Rodriguez; Ampid 1, 2 at Banaba, sa San Mateo; Santa Ana at San Juan, sa Taytay; Punta at Sipsipin, sa Jalajala; Kalayaan, San Isidro at San Vicente sa Angono; Bilibiran, Calumpang, Darangan at Macamot, Binangonan, Rizal.
Pinayuhan naman ng Manila Water ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig.