Maraming mga lugar sa Metro Manila ang lumubog sa tubig baha hanggang kaninang umaga dahil sa magdamag na pag-ulan.
Pasado alas-5 ng madaling araw ay gutter deep pa rin ang tubig baha sa kahabaan ng España Boulevard sa lungsod ng Maynila.
Nasa 2ft hanggang 13ft naman ang tubig baha sa maraming lansangan sa Valenzuela City, ala-5:30 kaninang umaga.
Sa Mc Arthur Highway, may mga lugar ang nasa 2ft hanggang 4ft ang baha subalit passable naman sa lahat ng uri ng sasakyan.
Maliban lamang sa bahagi ng P. Valenzuela na aabot sa 12ft hanggang 13ft ang tubig-baha kaya’t hindi madaanan sa maliliit na sasakyan.
Sa Quezon City naman, pasado alas-6 na ng umaga ay lubog pa rin sa tubig baha ang bahagi ng E. Rodriguez.
Umabot sa Tomas Morato ang naranasang pagbaha sa kahabaan ng E. Rodriguez.