Binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila kaninang umaga dulot ng magdamag na pag-ulan na dala ng southwest monsoon o habagat.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa gutter deep ang baha sa Roxas Blvd. sa kanto ng Pedro Gil Street, Roxas Blvd. kanto ng T.M. Kalaw Street at P. Burgos Street.
Sa Mandaluyong, binaha hanggang tuhod ang Addition Hills Fabella Popcom at New Zaniga Boni-F. Ortigas.
Samantala sa Quezon City, nasa walong pulgada naman ang tubig baha sa EDSA-P. Tuazon tunnel (southbound).
FLOOD UPDATE: EDSA P. Tuazon tunnel SB subsided as of 7:54 AM. All lanes passable. #mmda
— Official MMDA (@MMDA) September 15, 2019