Muling binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila matapos ang malakas na ulan, kagabi.
Pasado ala-7 nang magsimulang bumuhos ang malakas na ulan at bumaha sa ilang bahagi ng Maynila, Quezon City, CAMANAVA, partikular sa Malabon at Caloocan Cities.
Sa pag-i-ikot ng DWIZ, abot-tuhod ang tubig sa dagatan-dagatan habang nahirapang lumusong sa taas ng tubig ang ilang maliit na sasakyan sa pagtawid ng riles sa 5th Avenue, Caloocan.
Gutter-deep naman ang tubig sa ilang kalsada sa Santa Cruz, Ermita at Malate, Maynila kaya’t pahirapang makauwi ang mga pasahero.
Una nang inihayag ng MMDA na hindi makapag-discharge ng tubig ang mga main drainage systems patungong Manila Bay dahil hindi pa natatapos ng DPWH ang pagtatayo ng Pumping stations kaya’t agad bumabaha kahit kaunting ulan lang.