Ilang lugar sa Metro Manila ang nalubog sa baha dahil sa malakas na pag-ulang dulot ng habagat na pinalakas pa ng bagyong Domeng.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Auhtority, kabilang sa mga nalubog ang Kalayaan Avenue at Maharlika Street sa Quezon City; kanto ng United Nations at Taft Avenue sa Ermita; Padre Burgos street hanggang sa may tapat ng Manila City Hall kung saan abot tuhod ang tubig.
Gaya ng dati, nalubog din sa tubig ang kanto ng Morayta hanggang Lacson street sa España Boulevard sa Sampaloc, Maynila; Boni Avenue patungong Mandaluyong City Hall at kanto ng Shaw Boulevard at M. Yulo.
Samantala, umabot sa 13.8 meters ang water level sa Marikina river bandang dakong alas onse kagabi.