Inaasahang magiging maulan sa ilang bahagi ng Mindanao sa mga susunod na araw.
Ito ay dahil sa binabantayang LPA o Low Pressure Area na namataan sa silangan ng Hinatuan Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA, bagamat mababa ang toansa na maging ganap na bagyo ang nasabing lpa, madadala pa rin ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa caraga at davao region na maaaring magdulot ng flashfloods at landslides.
Asahan na rin ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa silangang Kabisayaan.
Samantala, mahinang epekto ng amihan naman magdadala ng pulo-pulong pag-ulan sa Kamaynilaan at ibang bahagi ng Luzon.
By Krista de Dios