Niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng Mindanao, kahapon.
Dakong alas dos ng hapon nang tumama ang magnitude 5.4 sa lalawigan ng Davao Occidental.
Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol, 135 kilometers, timog-silangan ng Balut Island na may lalim na 82 kilometers at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity 3 sa mga lalawigan ng Sarangani, Davao Occidental; intensity 2 sa Kiamba at Malungon, Sarangani habang intensity 1 sa Lake Sebu, South Cotabato.
Naitala rin ang instrumental intensity 1 sa South Cotabato, mga lungsod ng General Santos, Koronadal at Zamboanga.
Bagaman walang napinsala o nasaktan sa pagyanig, ibinabala ng PHIVOLCS na asahan na ang mga aftershock.—sa panulat ni Drew Nacino