Niyanig ng lindol ang ilag bahagi ng Mindanao, kaninang umaga.
Dakong alas Diyes Trenta’y Otso nang tumama ang Magnitude 6 na lindol sa Agusan Del Sur.
Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig, anim na kilometro, timog-silangan ng bayan ng Talacogon.
Naramdaman ang intensity 6 sa naturang lugar; intensity 4 sa Butuan city, Hinatuan, Surigao Del sur at Tagum City, Davao del Norte;
Intensity 3 sa Gingoog, Misamis Oriental; Bislig city; Davao city; Balingwan at Balingasag, Misamis Oriental; intensity 2 sa Cagayan de Oro City at intensity 1 sa Kidapawan City.
Tectonic ang origin ng lindol habang ibinabala ng PHIVOLCS ang mga posibleng aftershock.
Inaalam naman kung may mga napinsala o nasaktan sa nabanggit na pagyanig.
By: Drew Nacino