Nabawi na ng Iraqi Government Forces ang ilang bahagi ng Mosul sa Iraq mula sa Islamic State.
Ayon kay Defense Minister Khalid Al-Obeidi, pinangunahan ng 9th Armored Division ang opensiba dahilan upang mapaalis ang puwersa ng IS sa Ajhala Village.
Gayunman, kailangan pa rin aniyang i-secure ang lugar dahil sa nagkalat pa rin sa Mosul ang IS insurgents na maaaring maglunsad ng pag-atake anumang oras.
Una rito, nasa 560 karagdagang sundalo ang ipinadala ng Estados Unidos para tumulong sa operasyon kontra IS sa Mosul.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters