Niyanig ng malalakas na lindol ang ilang panig ng mundo sa nakalipas na 24 oras.
Tinamaan ng magnitude 6.5 ang Ferndale, California sa Amerika.
Gayunman, inihayag ng US Geological Survey na hindi nagdulot ng malakas na pagyanig ang lindol dahil natunton ang sentro nito sa dagat.
Niyanig naman ng magnitude 6.2 ang Xinjiang, China na bagaman hindi nagdulot ng casualty, nagresulta naman ito sa pagkasira ng mga kabahayan at ilan pang gusali.
Samantala, naglabas ng tsunami alert ang Pacific Tsunami Warning Center matapos tamaan ng magnitude 7.7 na lindol ang Solomon Islands.
Natunton ang sentro ng pagyanig 70 kilometro timog-kanluran ng Kirakira Island.
By Drew Nacino