Pansamantalang isinara sa mga motorista ang ilang bahagi ng national highway ng Tublay sa Benguet dahil sa naganap na landslide kagabi.
Nagkalat ang malalaking tipak ng putik at bato mula sa gumuhong bundok sa kalsada ng KM. 15 Barangay Ambassador sa Tublay.
Kaninang umaga’y ipinagpatuloy na ng lokal na pamahalaan ng Tublay ang clearing operation sa nasabing kalsada.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagkaroon rin ng landslide sa isa pang kalsada sa Tublay sa bahagi ng Acop-Kapangan-Kibungan dahil sa malakas na ulan dulot ng bagyong Huaning at Habagat.