Labing isang oras na mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Negros Oriental sa darating na Sabado, Setyembre 2.
Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, magsisimula ang power interruption mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Ito ay dahil sa gagawing maintenance work sa Amlan-Guihulngan Line.
Kabilang sa mga maapektuhan ng power interruption ang mga sineserbisyuhan ng NORECO 1 at 2 partikular ang Bais, Bindoy, Guihulngan at Tanjay substation.
By Ralph Obina