Sinarado na simula kahapon hanggang Oktubre 14 ang ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) at Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX).
Kaugnay ito sa isinasagawang maintenance work sa ilang bahagi ng NLEX at SCTEX kaya’t inaabisuhan na ang mga motorista na asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar
Sa NLEX, kabilang sa mga sarado muna ang bahagi ng Valenzuela, northbound at southbound, innermost lane bago sumapit ng Mindanao Toll Plaza, middle lane bahagi ng Bocaue Southbound, middle lane pagitan ng San Simon at San Fernando, northbound at southbound innermost lane.
Sa SCTEX, sarado muna mula Oktubre 8 hanggang 13 ang bahagi ng Porac patungong direksyon ng Concepcion, Tarlac at Subic middle lanes.
Dahil naman sa kukumpunuhing tulay, apektado sa NLEX ang Old Angeles Overpass, southbound, innermost lane mula Oktubre 8 hanggang 10 at Old Angeles Overpass, southbound, middle lane mula Oktubre 9, 11 at 12.
Apektado naman ng drainage enhancment sa bahagi ng NLEX mula Oktubre 8 hanggang 14 ang bahagi ng Meycauyan, northbound at southbound outermost lane at bahagi ng Panadayan exit.