Muling niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng Northern Luzon.
Alas onse singko kagabi nang tumama ang magnitude 5.1 sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Natunton ng Phivolcs ang sentro ng pagyanig, walong kilometro, timog-silangan ng bayan ng Burgos.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na dalawampu’t dalawang kilometro.
Naramdaman ang intesity 5 sa Laoag City, mga bayan ng Adams, Bacarra, Bangui, Burgos, Pagudpud At Pasuquin, Ilocos Norte; ntensity 4 sa Batac City, Badoc, Carasi, Currimao, Dumalneg, Pinili at San Nicolas, Ilocos Norte; Vigan City at Sinait, Ilocos Sur; ntensity 3 sa San Vicente, Ilocos Sur habang intensity 1 sa Bantay, Ilocos Sur.
Bagaman hindi nagdulot ng pinsala, inaasahan naman ang aftershocks matapos ang pagyanig.