Asahan na ang maulap na papawirin at pulo-pulong pagbuhos ng may kalakasang mga pag-ulan ngayong araw ng linggo sa bahagi ng Eastern section ng Northern Luzon na dulot ng tail-end of a frontal system.
Partikular na maapektuhan ng sama ng panahon ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Pinaalalahanan naman ng PAGASA ang mga naninirahan sa mga nabanggit na lugar ng posibleng mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan.
Samantala, makararanas naman ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ng maulap hanggang sa mas maulap na papawirin at kalat-kalat na mga pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.
Pinapayuhan rin ng PAGASA ang mga nasa mababa at matataas na lugar na maging alerto dahil sa mga posibleng flash floods at landslides dahil sa inaasahang malalakas na pagbuhos ng ulan.