Isasara ng 3 linggo o 21 araw ang ilang bahagi ng Elliptical Road para sa pagpapatuloy ng drainage system project doon na sinimulan pa noong nakaraang buwan.
Pero hindi pa matukoy ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority kung kailan magsismula ang gagawing construction sa bahagi ng Elliptical road.
Ayon sa pinuno ng MMDA traffic engineering center na si Noemi Recio, layunin ng proyekto na masolusyunan ang pagbaha sa pa-ikot ng Quezon City Circle sa tuwing may malalaks na pag-ulan.
Kaya naman maglalagay ng 300-meter pipeline ang gobyerno mula sa kalayaan avenue hanggang sa isang creek sa Quezon Avenue.
Dagdag pa ni Recio, mayroon nang permit para sa construction ang Quezon City government engineering office para sa nasabing proyekto.
By: Jonathan Andal