Isinailalim sa “special concern” lockdown ang ilang na bahagi ng Quezon City dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kabilang rito ang mga sumusunod:
- Loans St. Alley 4 sa Sangandaan
- FVR Building sa Kahabaang Guirayan Street sa Doña Imelda
- Fatima St. Cor. Liwanag sa San Vicente
- 14G Maayusin Ext. sa San Vicente
- Maparaan St. hanggang 87 Kalayaan St. sa Central
- Ruby Stone Hoa sa Kaligayahan
- 127 Rebsico Road sa Nagkaisang Nayon
- Sitio Ruby sa Fairview
- 5A Cenacle Compound sa Culiat
- Mariveles St. sa Paang Bundok
- 238 Mayon Ave. sa Maharlika
- Howmart Road, mga bahagi Ng Alley 2 at 3 sa Baesa
- 81 Mariveles St. sa Sta. Teresita
- 87-91 Gumamela St. 1-3 Umbes St. sa Roxas
- 950 Interior, Aurora Blvd. sa Mangga
Epektibo ang nasabing lockdown kahapon, ika-22 ng Hulyo, habang wala naman nabanggit kung hanggang kailan ito tatagal.
Nagsasagawa na rin ng rapid test, confirmatory swab test at contact tracing sa mga lugar na naka-lockdown.
Batay sa pinakahuling tala, sumampa nasa 5, 458 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City kung saan 2, 094 dito ang active cases.