Magkakaroon ng 15 oras na water interruption ang water company na Manila Water sa mga barangay sa tatlong bayan ng Rizal.
Sa pahayag ng Manila Water, sinabi nito na kanilang i-upgrade ang mga transmission network nito sa Binangonan sa Rizal.
Kasunod nito, apektado sa pagkawala ng tubig ang higit 30,000 pamilya at ilan pang mga tumatangkilik sa serbisyo sa 19 na mga barangay sa Taytay, Angono at Binangonan sa lalawigan.
Sa kaparehong bulletin, inihayag na magsisimula ang naturang interruption mula alas-5 ng hapon ngayong araw, 25 ng Hunyo hanggang bukas, alas-8 ng umaga, 26 ng Hunyo.
Ang mga sumusunod na barangay ay kabilang sa mga maapektuhan ng naturang water interruption:
Sa bayan ng Angono, apektado ang mga barangay ng:
- San Isidro
- San Roque
- Sto. Nino
- San Vicente
- Kalayaan
- San Pedro
- Poblacion Ibaba
- Poblacion Itaas
- Bagumbayan
Habang sa bayan naman ng Binangonan, apektado rin ang mga barangay ng:
- Pag-asa
- Tayuman
- San Carlos
- Tagpos
- Bilibiran
- Pantok
- Palangoy
- Darangan
Gayundin sa bayan ng Taytay, apektado ang mga barangay ng:
- Muzon
- San Juan
Kasunod nito, paalala ng naturang water company, mag-ipon na ng sapat na tubig na kakailanganing gamit ng pamilya ng apektadong residente, para may magamit sa oras ng interruption ng suplay ng tubig.