Isinara ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila ngayong araw para bigyang daan ang million volunteer Run 5 ng Philippine Red Cross.
Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit, isinara kaninang madaling araw ang southbound lane ng
Roxas blvd. mula Katigbak drive hanggang Padre Ocampo.
Nagsimula ang fun run 5:00 kaninang madaling araw sa Luneta patungong Quirino grandstand na tumagal hanggang 7:00 kaninang umaga.
Dinaluhan ito ng nasa mahigit 1 milyong kalahok kabilang ang ilang personalidad tulad ni Enchong Dee at iba pa.
Una rito, nagbigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line (MRT) 3 mula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga para sa mga kalahok sa nasabing fun run.