Binalot ng niyebe o snow ang ilang bahagi ng Sahara Desert na itinuturing na pinakamalaki at pinakamainit na disyerto sa mundo.
Ayon sa ulat, nakaranas ng malamig na klima ang mga residente ng Ain Sefra sa Northern Algeria na maaaring naging resulta ng pag-ulan ng niyebe noong Linggo.
Ang Ain Sefra ay kilala bilang getaway sa Sahara Desert kung saan umaabot sa 35 degrees Celsius ang karaniwang temperatura tuwing Hulyo at Agosto.
Samantala, agad namang natunaw ang naturang niyebe bunsod ng pagsikat ng araw.
Matatandaang noong Disyembre 2016 ay nakaranas din ng kaparehong pangyayari ang mga residente ng Ain Sefra matapos ang maraming taon.