Nagbabala ang PAGASA hinggil sa posibleng idulot na pag-ulan ng Low Pressure Area na pumasok sa Philippine Area of Responsibility kahapon.
Ayon sa PAGASA, posibleng maapektuhan ng naturang sama ng panahon ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Huling namataan ang LPA sa silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Bagamat mahina pa ang LPA, hindi naman ini-aalis ng PAGASA ang posibilidad na maging ganap na bagyo ito sa mga susunod na araw.
Posted by: Robert Eugenio