Makararanas ng mga pag-ulan ngayong araw ang Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga peninsula dahil sa Low Pressure Area (LPA) na namataaan sa G Layong 1,315 kilometers silangan ng Central Luzon.
Ayon sa pag-asa maliit naman ang posibilidad na maging bagyo ito habang patuloy ang ginagawang monitoring rito na maaari pang lumapit sa bansa sa mga susunod na araw.
Habang makararanas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers bunsod ng localized thunderstorms.