Sarado ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila upang magbigay daan sa pagdiriwang ng World AIDS Day, ngayong araw.
Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit, simula ala-1:00 ng hapon ay sarado sa mga motorista ang Roxas Boulevard Service Road mula Padre Faura Street hanggang Quirino Avenue.
Isasagawa ang mga aktibidad sa likod ng Plaza Rajah Sulayman; Remedios Street at South Drive, Rizal Park Area.
Inabisuhan naman ang mga motorista na daraan sa Service Road na gamitin na lamang ang MH Del Pilar Street.
By Drew Nacino