Napinsala ang ilang mga bahay sa bayan ng Hernani, Eastern Samar dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina.
Karamihan sa mga nasirang bahay ay gawa sa light materials.
Kaugnay nito, nagsasagawa na ng assesment ang lokal na pamahalaan sa naiwang pinsala ng bagyo.
Nag-landfall ang bagyong Jolina sa lugar alas-10 ng gabi nitong Lunes. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico