Naglabas ng Memorandum Circular si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na nagdedeklarang bakante ang ilang posisyon sa executive department.
Simula kahapon, bakante na ang posisyon ng lahat ng presidential appointees na itinuturing na co-terminous at ilan pang posisyon.
Dahil dito, pansamantalang uupo bilang officer in charge ang mga pinaka senior officials sa mga kagawaran, tanggapan at ahensya na wala pang naitatalagang opisyal gaya ng Department of Health (DOH), Department of Environment and Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), Department of Energy (DOE) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Extended naman hanggang July 31 ang lahat ng non-career executive officials na may hawak ng career executives service positions.
Gayundin ang mga contractual at casual employees na napaso na ang kontrata nitong June 30.