Inimbitahan ng National Food Authority (NFA) ang bansang Vietnam, Thailand at Cambodia na lumahok sa isasagawang government to government bidding ng ahensya kaugnay sa planong pag-angkat ng paunang 250,000 metriko toneladang bigas.
Inihayag ito ni Office of the Presidential on Food Security and Agricultural Modernization Secretary Francis Pangilinan na kasalukuyang Chairman ng NFA Council.
Ayon kay Pangilinan, nagpadala na sila ng imbitasyon sa tatlong nabanggit na bansa para makalahok sa isasagawang bidding.
Samantala, nakahanda pa ring mag-angkat ang NFA ng dagdag na 250,000 metriko toneladang bigas hinggil sa epekto sa produksyon ng nararanasang El Niño phenomenon, sa sandaling irekomenda muli ng Food Security Committee sa NFA Council.
By Meann Tanbio | Monchet Laranio