Nagkasa ng panibagong lockdown measures ang ilang bansa sa Europe, kabilang ang France, Poland at Ukraine.
Ginawa ang hakbang sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa mga nasabing bansa.
Dahil sa mga bagong restrictions, muling ipasasara ang mga shops habang pinapayuhan ang mga manggagawa na mag-work from home.
Sa Paris, sarado ang lahat ng non-essential businesses habang papayagan naman ang pagbubukas ng mga eskwelahan at outdoor exercise na malapit sa bahay ng mga residente.
Sa Germany naman, iniulat ng Robert Koch Institute na nakapagtala ito ng 17,482 na bagong impeksiyon at 226 na pagkamatay sa loob lamang ng isang araw.