Umapaw ang isang ilog at labis na binaha ang ilang barangay sa Agusan Del Sur dahil sa walang tigil na pag ulan sa lalawigan.
Gumamit ng rafts ang mga residente para makapag evacuate mula sa kanilang mga binahang tahanan.
Hirap naman ang mga otoridad na i deliver ang relief goods dahil hindi madaanan ang ilang lansangan.
Nangangamba ang local government na maraming barangay pa ang bahain kapag nagtuluy tuloy ang matinding buhos ng ulan.
By Judith Larino