Isinailalim sa granular lockdown ang anim na barangay sa Bayugan City sa Agusan del Sur dulot ng dumaraming bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon sa Bayugan LGU, kabilang sa mga apektado ay ang Barangay Maygatasan, apat na sub-communities sa Poblacion, at tig-iisang sub-community naman sa mga barangay ng Taglatawan, Salvacion, Cagbas, at Calaitan.
Ang granular lockdown ay nagsimula ngayon, Setyembre 12, at magpapatuloy ang implementasyon nito hangga’t hindi inaalis ng lokal na pamahalaan.