Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Caloocan at Malabon simula alas 8:00 mamayang gabi, Setyembre 5 hanggang ala 7:00 ng umaga bukas, Setyembre 6.
Batay sa abiso ng kumpaniyang Maynilad, ito’y dahil sa isasagawang pagpapalit ng mga water valves sa Caloocan pumpung station gayundin sa panulukan ng 10th Avenue at PNR o Philippine National Railways.
ahil dito, maaapektuhan ng pansamantalang water interruption ay ang mga barangay 1 hanggang 14, barangay 49, barangay 52 hanggang 78, barangay 93, barangay 97 hanggang 116 at ang mga barangay 121 hanggang 124 sa Caloocan.
Makararanas din ng water interruption ang mga barangay Catmon, Longos at Tonsuya sa Malabon kaya’t pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maghanda at mag – ipon na ng gagamiting tubig para sa magdamag.
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE