Nakaranas ng landslide ang ilang barangay sa Olongapo City sa gitna nang buhos ng malakas na ulan.
Dinala na sa Sergia Soriano Integrated School 1 ang mga residente 4 ng Purok 3 upper matapos una nang abisuhan hinggil sa paglikas ng mga ito dahil sa pagguho ng lupa sa lugar.
Gumuho rin ang ilang bahagi ng gilid ng kalsada sa Old Cabalan Highway dahil sa walang tigil na buhos ng ulan mula pa nuong weekend.
Kinordonan na ang nasirang bahagi at pinalibutan na ito ng sako ng buhangin para wala nang maaksidente.
Samantala nasira naman ang temporary bypass bridge sa barangay san pablo sa bayan ng Castillejos sa Zambales dahil pa rin sa malakas na pag-ulan.
Ilang residente pa ang kinailangang isakay sa bangka ng rescue team ng bayan ng Castillejos para makatawid sa rumaragasang tubig mula sa ilog.