Ilang barangay sa lungsod ng Quezon at Caloocan City ang pansamantalang makararanas ng Water Interruption simula bukas, Agosto 6, 2018.
Sa abiso ng Maynilad Water Services, kabilang sa mga barangay na mawawalan ng tubig sa Caloocan City, ay ang Barangay Kaligayahan, Brgy. 168, Brgy. 170 at Brgy. 178.
Habang sa Quezon City naman ay ang Barangay Kaligayahan at Brgy. Pasong Putik.
Magsisimula ang pagkawala ng suplay ng tubig sa mga nabanggit na lugar, 3:00 ng madaling araw bukas, Lunes na magtatagal hanggang 3:00 ng madaling araw ng Martes, August 7.