Nagtaas na ng Suggested Retail Price (SRP) ang 70 basic goods sa bansa kabilang na ang tinapay.
Batay sa abiso ng Department of Trade and Industry (DTI), 216 anim na items o shelf keeping units o skus ang kasama sa latest bulletin.
Nasa 34% ang nagtaas ng srp na mas mababa sa 10% at 143 ang hindi nagtaas o nananatili ang price levels.
Nagkaroon din ng price adjustments sa canned sardines, locally manufactured noodles at kape na naglalaro sa 25 hanggang 75 centavos.
Ang pagtaas ng srp ay dulot ng pagtaas ng presyo ng raw materials at production inputs. —sa panulat ni Abby Malanday