Pinababawi ng Food and Drugs Adminitsration ng Department of Health ang ilang batch ng isang brand ng antibiotic dahil sa hindi nito pagsunod sa kinakailngang specification.
Ayon sa tanggapan ng FDA, may recall order na sila para sa gamot na Rifampicin na may brand name na Rifanid 200 milligram per 5 milliliter suspension at may batch numbers C30002, C30007, at C30008 na ang expiration date ay sa May at July 2016.
Lumabas kasi sa pagsusuri na hindi agad natutunaw ang powder nito sa tubig at nagbubuo-buo ito kahit pa i-shake bago gamitin.
Ang Rifampicin suspension ay ang gamot na ginagamit sa mga sakit na Tuberculosis, Leprosy, at iba pang impeksyon.
By: Jonathan Andal