Nananatiling high risk sa African Swine Fever (ASF) ang mga bayan ng La Trinidad, Tuba, Itogon, Kabayan at Bokod sa lalawigan ng Benguet.
Dahil dito, pinayuhan ng Benguet Provincial Veterinary Office ang mga nag-aalaga ng baboy na sundin ang mga patakaran para maiwasan ang lalong pagkalat ng ASF sa iba pang bayan ng Benguet.
Ang problema nila, ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Miriam Tiongan, ay mga nagtitinda ng buhay na baboy sa iba pang bayan dahil walang garantiyang malinis at hindi infected ng ASF ang mga buhay na baboy lalo’t hindi dumaan ang mga ito sa tamang proseso at walang kaukulang dokumento ang pagbenta.
Umapela si Tiongan sa mga mamamayan para idaan sa animal quarantine checkpoints ng Benguet ang mga bibilhin nilang baboy upang matiyak na ligtas ang mga ito para hindi na kumalat pa ang ASF.