Nagpatupad na ng forced evacuation ang ilang mga bayan sa Cagayan bilang paghahanda sa pag-landfall ng Bagyong ‘Ramon’ anumang oras mamayang gabi o bukas ng umaga.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mahigit sa 80 pamilya ang kanilang inilikas mula sa mga lugar na posibleng magkaroon ng landslide at matinding pagbaha.
Kanselado na rin ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng lumakas pa ang Bagyong ‘Ramon’ bago pa man ito lumapag sa kalupaan.