Nakaranas ng pagbaha ang ilang bayan sa Eastern Samar dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Ayon sa MDRRMO ng Jipapad, nagsimula ito matapos umapaw ang ilang ilog sa bayan bunsod ng pagbaha sa ilang malalapit na ilog at mabababang lugar.
Binaha rin ang national road sa bahagi ng Arteche, Eastern Samar kaya hindi madaanan ng mga light vehicles ang kalsada.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang pagmonitor sa mga lugar at pag-agabay sa mga residente sa oras na lumikas na ang mga ito.—sa panulat ni Abby Malanday