Suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa ilang bayan sa Leyte matapos ang tumamang magnitude 5.5 na lindol ngayong araw Lunes, ika-2 ng Marso.
Ang nasabing hakbang ay para makaiwas na rin sa disgrasya dahil sa inaasahang aftershocks dulot ng malakas na lindol at para makapagsagawa na rin ng structural assessment sa mga gusali tulad ng mga paaralan.
Kabilang sa mga kinansela ang pasok sa lahat ng antas sa Capoocan at cCarigara sa Leyte.