Nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang ilang baybayin sa bansa.
Batay sa pinakahuling shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi ligtas kainin ang mga shellfish at acetes o alamang na makokolekta sa mga baybayin ng;
- Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal sa Bataan;
- Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;
- Guiuan, at Matarinao Bay sa Eastern Samar;
- Dumanquillas bay sa Zamboanga Del Sur;
- Baroy sa Lanao Del Norte;
- Lianga Bay sa Surigao Del Sur;
- Carigara Bay sa Leyte, at;
- Litalit Bay, San Benito sa Surigao Del Norte
Sinabi naman ng ahensya na ang mga isda, pusit, hipon, alimango na mahahango mula sa mga nabanggit na baybayin ay maaaring kainin basta nahugasan nang maayos at natanggal ang mga internal organ tulad ng hasang at bituka bago lutuin. —sa panulat ni Hya Ludivico