Nagpositibo sa red tide toxins ang siyam na baybayin sa Bataan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) apektado ng paralytic shellfish poison ang coastal waters ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Hermosa, Orani, Abucay, Samal at Balanga City.
Kaugnay nito, nagbabala ang BFAR na hindi ligtas kainin ang anumang shellfish o alamang na makukuha sa nabanggit na mga lugar.
Gayunman, ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas naman umanong kainin basta lilinisin lamang ng mabuti at natanggalan ng lamang-loob bago lutuin.