Nagpositibo sa red tide ang ilang baybaying dagat sa bansa.
Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), bawal kainin ang mga makokolektang shellfish sa Bataan, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, sa Leyte, coastal waters sa Guiuan, Eastern Samar.
Maliban dito, positibo rin sa red tide ang baybaying dagat ng Milgaros sa Masbate.
Pinagbabawal rin ang ng BFAR ang pagkain ng alamang.
Samantala, maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta siguraduhin lamang na sariwa, maayos na niluto, tinanggal ang hasang at kaliskis.