Nakatanggap ng isang milyong pisong tulong pangkabuhayan ang nasa 120 pedicab drivers at ambulant vendors sa Intramuros, Manila.
Ang naturang tulong na ibinigay sa anyo ng livelihood enhancement at food carts na kilala bilang negosyo sa kariton o negokart ay inaasahang makatutulong sa mga vendors na lumago pa ang kanilang kasalukuyang negosyo.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang initial batch na 42 pedicab drivers at tatlong ambulant vendors ay tumanggap ng 30,000 pesos kada isa.
Ang suportang pangkabuhayan ay ginawa sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) na may kabuuang budget na 1.08 million pesos.
Bahagi rin ng pakikipagtulungan ng ahensya ang Department of Tourism (DOT) para sa “Trabaho, Turismo, Asenso” job fair program ng pamahalaan. – sa panulat ni Hannah Oledan