Ano nga ba ang sinasabi ng mga doktor sa viral na onion water?
Marami ang nagsasabi na mabisa itong panlaban sa respiratory symptoms tulad ng coughing at congestion at nakatutulong sa mabilis na paggaling mula sa supon, trangkaso at sinus infections.
Ayon sa mga doktor at eksperto, bagamat matagal nang umiiral ang “onion water” ay walang malinaw na pananaliksik na nagpapakita na ito ay may benepisyo para sa iyong karaniwang tao para sa ubo, sipon at trangkaso
Hindi naman umano nakakasama sa kalusugan ang pag inom ng onion water dahil ang katamtamang dami ng mga sibuyas, maging ito man ay nasa tsaa o bilang isang sangkap sa pagluluto, ay karaniwang safe for human consumption.
Hinihimok naman ng mga eksperto ang publiko na subukan ang mga therapies kung saan mayroong ilang agham at ilang pananaliksik ang naisagawa upang ipakita na nakakatulong ang mga ito tulad ng
– paggamit ng nasal saline drops o sprays
– pagkakaroon ng sapat na tulog
– pag-inom ng gamot
– at pag-inom ng maraming tubig —sa panulat ni Hannah Oledan