Nabunyag ang ilang beses nang engkwentro ng ilang Russian Military Plane at US Navy destroyer.
Ayon kay Captain Danny Hernandez, spokesman ng US European Command, nagkaroon ng tatlong insidente na kinasasakutan ang Russian Plane at USS Porter.
Tinawag na unsafe at unprofessional ni Hernandez ang paglapit di umano ng Russian Military Plane sa US. Navy Destroyer na nasa black sea.
Nakakapangamba anya ang ganitong mga insidente dahil posible itong mauwi sa aksidente o miscalculation.
By Len Aguirre