Kanselado ang ilang biyahe ng mga eroplano mula Maynila patungong Japan bunsod ng pananalasa ng Typhoon Trami ngayong araw
Batay sa abiso mula sa MIAA o Manila International Airport Authority, wala munang biyahe simula ngayong araw, Setyembre 30 hanggang bukas, Oktubre 1.
Kabilang sa mga ito ay ang PR flight 432 na mula Maynila patungong Tokyo via Narita, PR flight 424 mula Maynila patungong Tokyo via Haneda, PR flights 896 at 897 mula Taipei patungong Osaka via Kansai at pabalik.
Gayundin ang PR flight 408 mula Maynila patungong Osaka via Kansai, PR flight 436 mula Cebu patungong Tokyo via Narita, PR flight 410 at 409 mula Cebu patungong Osaka via Kansai at pabalik, PR flight 438 mula Maynila patungong Nagoya at PR flight 480 at 479 mula Cebu patungong Nagoya at pabalik.
Ayon sa MIAA, bukas inaasahang lilipad na ang lahat ng mga nakanselang flights ngayong araw depende pa rin sa magiging lagay ng panahon sa nabanggit na bansa habang kanselado naman bukas ang biyahe ng PR flight 423 mula Tokyo via Haneda patungong Maynila.
Dahil dito, inabisuhan ng PAL ang kanilang mga pasahero na magpa-rebook o mag-refund ng kanilang ticket ang mga apektadong pasahero.
O kung nakabilang naman sa reservation records, sinabi ng PAL na makatatanggap ang mga ito ng status ng kanilang flights sa pamamagitan ng e-mail, tawag o di kaya nama’y ng text message.
—-